Ano Nga Ba Talaga Ang Art?
Image Retrieved from:https://www.martaltes.com/the-20-types-of-art-that-exist/
Base sa mga napanood na video, hindi talaga masasagot o walang tiyak na sagot sa tanong na “ Ano nga ba talaga ang Art?”. Mayroong iba-bang anyo na maituturing na art tulad ng, street wall murals, film, sculpture, dance, photography, architecture, indigenous traditions, theater, music, mismong ang ating mga katawan, at marami pang iba. Gaya na lamang dun sa mga sinabe sa video na “Art comes from instinct, nobody teaches you to be an artist”, at “There was no word for art, it was just introduced by the academe or westerners.”, ang art ay makikita rin sa ating pangaraw-araw na buhay, lahat ng bagay ay pwede maging art at minsan ang mismong may likha nito, nakakakita nito, nararamdaman ito, at gumagawa nito ay hindi alam na ma-”coconsider” pala iyon bilang art. Ang art ay hindi rin propaganda lamang, dahil ito ay maaring maging palatandaan kung ano ba talaga ang mga nangyayari sa kapanahunan ng paglikha nito, kaya ay masasabi kong makapangyarihan ang art sapagkat sa pamamagitan nito nakakapagbahagi ang mga biktima ng diskriminasyon at kawalang-katarungan.
Image Retrieved from:https://www.filipinoart.ph/newsroom/2020/02/06/look-murals-attract-new-visitors-to-iloilo-city/
Isang bagay rin na naibahagi sa mga video ay hindi dapat laging tingnan ang art bilang maganda lamang dahil nililimitahan nito ang kakayahan ng art upang makapagbahagi ng nararamadaman ng tao. Isang halimbawa dito ay ang mga street wall murals na kung saan para sa iba ay masakit sa mata dahil para sa kanila ito ay dumi sa pader, ngunit ito ay isang magandang paraan upang maibahagi sa lahat lalo na sa pangkaraniwang. Ito rin ay maaring sagot sa problema na hindi naman lahat ng tao ay nakakapunta sa mga gallery sapagkat tulad nalamang sa sinabe sa video “Art has to be part of the lives of all people to make them more aware of themselves to make them more human”.
Image Retrieved from:https://www.nytimes.com/2017/05/15/world/asia/tattoo-artist-kalinga-buscalan.html
Kung dadagdagan ko man ang mga halimbawang ipinakita sa video, isa ring anyo ng art na para sa iba ay hindi kaaya-aya ay ang mga tattoo at piercing. Malaking bagay ang relihiyon sa pagtutol o pagtingin sa mga ito bilang kadumihan, pero kung iisipin natin ng mabuti isa ring itong paraan upang ma-express ang sarili. Kung mayroon mang malalim o mababaw na dahilan sa paggawa nito ay walang makapagdidikta na hindi ito art.
Image Retrieved from:https://verafiles.org/articles/pira-pirasong-kuwento-ng-martial-law-human-rights-atrocities-remembered-through-art
Nabigyang diin rin sa mga video na ang art dito sa Pilipinas ay hindi masyado nabibigyan ng pansin at hindi pinahahalagahan. Sang-ayon ako sa nagsabi na “failure of Philippine film culture is the failure of building audiences on trying to teach people how to see films.” at may nagsabi rin na ang gobyerno ang may kasalanan dahil hindi binibigyan ng quality education ang mga Pilipino. Kung titingnan lamang ang ibang uri ng art sa kahulugang naaayon lamang sa isang pananaw, maraming art ang hindi mabibigyan ng hustisya at hindi maibabahagi sa mga tao.
The Filipino Identity by Juanito Torres
Image Retrieved from: https://www.galeriejoaquin.com/exhibitions/gallery/372
Nakakalungkot sapagkat hindi man nabibigyang pansin dito sa sariling bansa ang mga art ng ating mga kababayan, ang mga dayuhan pa mismo ang nakaka-appreciate nito. Tulad ng lupa, ang presyo ng mga art ay maaaring tumaas habang paglipas ng panahon. Ngunit dapat rin tandaan na ang paglikha ng art ay hindi lang dapat para sa kadahilanang ibebenta ito, dahil ito ay isang palatandaan para sa mga social, cultural, political at environmental na estado ng nasyon. Ang art rin ay naipapasa sa susunod na mga henerasyon kaya dapat ito ay ituro sa kabataan, sapagkat ito rin ay konektado sa ating pagkakakilanlan. Kaya kung sasagutin ko ang tanong na kung “Ano nga ba talaga ang art?”, ang tanging masasagot ko ay ito ang pagkakakilanlan ng tao sapagkat tayo ay may kanya-kanyang pag-iisip, paniniwala, at pagkakaiba.